Affichage des articles dont le libellé est La culture. Afficher tous les articles
Affichage des articles dont le libellé est La culture. Afficher tous les articles

samedi 18 août 2012

L'art dans la rue

« Les rues sont plus que jamais l'espace idéal pour de multiple raison. »

"Ang mga kalsada ay tunay na ideyal na espasyo dahil sa maraming kadahilanan."


Damien Seppoloni est un artiste qui a eu 4 ans de formations à Lyon. Il ne pense pas qu’il avait la notion "d'art de rue" au tout début. Selon à lui, « le simple fait de dessiner sur un papier était déjà suffisant, » mais, «ensuite est venu le temps de voir les choses en plus grand. » Il aime l’idée que plus de gens vois son travail et qu'il a plus de chance de marquer les esprits. Il aime également le fait qu’il n’a pas le droit à l'erreur. Il le considère comme un défi personnel. Et aussi, quelle liberté pour lui que il a un espace de travail presque illimité, comme le sol, le plafond et des lampadaires et les bancs publics.

Si Damien Seppoloni ay isang pintor na nagsanay ng apat na taon sa Lyon. Hindi niya naisip ang mga katagang "street art" noong pinakauna.  Para sa kanya, "ang simpleng magguhit sa isang malinis na papel ay sapat na," pero "dumating ang panahon para tingnan ang mga mas malalaking bagay." Gusto niya ang ideya na mas maraming tao ang makakakita ng mga obra niya at mas makapag-iiwan siya ng impresyon at alaala. Gusto rin niya ang katotohanang wala siya panahon upang magkamali sa kanyang ginagawa. Itinuturing niya itong isang personal na hamon. Isang malaking kalayaan rin para sa kanya na mayroon siayng halos walang katapusang espasyo para sa kanyang obra gaya ng sahig, kisame, mga poste ng ilaw at mga upuan sa parke.


Tout est sa source d’inspirations comme les films et les livres. Il cherche de nouvelles idées en fouillant sur internet au hasard des liens. Il commence de plus en plus à utilise la nature en tant qu’une source d'inspiration. « Elle offre plus de différence au niveau des formes et compositions que n'importe quel œuvre artistique déjà existante, » dit-il. Le concept d’évolution est également une grande source d’inspiration.

Lahat ay maaari niyang pagkuhanan ng inspirasyon gaya ng mga pelikula at mga aklat. Naghahanap siya ng mga bagong ideya sa Internet. Ginagawa rin niyang inspirasyon ang kalikasan. "Mas nagbibigay ito ng iba't ibang hugis at porma di tulad ng mga nagawa ng obra," wika niya.  Ang konsepto ng ebolusyon ay isa ring magandang inspirasyon.

Comme les autres artistes, il a des frustrations aussi. « Par exemple quand au bout des troisièmes ou quatrièmes essais je n'arrive toujours pas à donner l'expression de visages à un personnage, cela est très frustrant, » dit-il.

Gaya ng ibang mga pintor, mayroon rin siyang mga kahinaan. "Halimbawa, kapag hindi ko nagagawa ng tama ang isang ekspresyon ng isang karakter ng wasto, ako ay naiinis," wika niya.

La liste de ses mentors est longue, selon Seppoloni. Il a l’impression que ses mentors changent tout le temps. Mais il dit que cette année son top 3 serait Moebius, Bilal et Pedrosa. Entre-temps, son peinture favori est « L'homme à la pipe » de Gustave Courbet mais il ne sait pas pourquoi. Il adore sa compo et l’histoire qu'il y a derrière ce tableau.

Ayon pa sa kanya, ang listahan ng kanyang mga tagapayo ay tunay na mahaba. Para sa kanya, mabilis magbago ang listahang ito. Pero ngayong taon, mayroon siyang tatlong pinakamahusay na tagapayo at iyon ay sina Moebius, Bilal at Pedrosa. Sa ngayon, ang paborito niyang obra ay ang The Man With the Pipe na nilikha ni Gustave Courbet ngunit hindi niya malaman kung bakit. Gustong-gusto niya ang komposisyon nito at ang kwento sa likod nito.


A part de l’art, il passe le temps avec le voyage, sa famille, ses amis et l’escalade. La plupart de son temps est attribué à sa création de l’art et un peu au loisir et à son famille.

Bukod sa sining, pinagkakaabalahan rin niya ang paglalakbay, ang kanyang pamilya, mga kaibigan at ang pag-akyat o hiking. Kadalasan, ang oras niya ay nakatuon sa paglika ng sining at kaunti lamang sa paglilibang at sa kanyang pamilya.

De plus, les critiques sont très importantes pour des artistes. «Seul les génies n'ont pas besoin de critiques, car même leur erreurs sont volontaires. » Il n’est pas parfait en tant qu’un artiste, c’est pourquoi il a encore besoin des critiques constructives. Mais, il avoue que les critiques sont parfois graves.

Isa pa, ang mga kritiko ay sobrang mahalaga para sa mga pintor. "Tanging mga henyo lamang ang di na nangangailangan ng mga kritiko dahil kahit ang kanilang mga pagkakamali ay sinasadya nila." Hindi siya perpekto bilang isang artista kaya naman kailangan niya ng mga komentong makatutulong sa kanya. Ngunit, inaamin niya na may ibang komento siyang natatanggap na nakasasakit ng kanyang damdamin.

Sur le style, il a un problème avec ce mot. C’est parce que il n’a pas un « style bien défini, tout est évolutif. » C’est aussi difficile pour lui de dire son différence de autres artistes. C’est aux gens qui regardent ses créations de lui le dire, n’est-ce pas ? « Mon œuvre n'est à mon avis pas assez, » ajoute-il.

Mayroon siyang problema sa salitang estilo. Para sa kanya, wala siyang "isang tiyak na estilo, lahat ay nagbabago." Mahirap din para sa kanya na sabihin ang kaibahan niya sa iba pang pintor. Ang mga taong nakakikita ng kanyang mga obra ang tanging makapagsasabi nito, hindi ba? "Ang aking mga obra, sa tingin ko, ay hindi pa sapat," dagdag niya.

Son message pour les artistes en herbe dans le monde ?

At ang kanyang mensahe para sa mga pintor na nagsisimula pa lamang sa mundo?

« Tout est art si tu t'y prends pas trop tard. Le plus tôt vous commencerais à peaufiner votre style/votre écriture, le plus vite vous aurez le résultat de vos efforts. » Il n’est pas très sûr si c'est un bon conseil, mais il dit qu’ils ne soient jamais satisfait à 100% de leur créations. « Critiquez, questionnez. » Il souligne aussi que le sens est très important parce que c’est la base de l'art. « Ne faites rien sans raison. »

"Lahat ay sining kung agad mo itong gagawin. Kapag maaga mong nilinang ang iyong kakayahan sa pagsusulat o pagpinta, mas mabilis mo itong mahahasa at mapagbubuti." Hindi siya sigurado kung ito ay isang magandang payo ngunit sinabi niya na huwag dapat makampante ng todo sa ating mga nilikha. "Magkumento, magtanong." Binibigyang diin rin niya na ang kahulugan ay mahalaga dahil ito ang pinaka sandigan ng sining. "Huwag kang gumawa ng kahit ano ng walang dahilanan."

Pour conclure, il dit que « l'expression est un art, est pour moi l'artiste est obligé de s'exprimer par l'art s'il veut se faire entendre/voir. Donnant donnant. »

Bilang pagtatapos, sinabi niya na "ang pagpapahayag ay isang sining at para sa akin, ang isang artista/pintor ay obligadong ipahayag ang kanilang saloobin sa pamamagitan ng sining kung gusto niyang mapansin o mapakinggan.  Magbigay at tumanggap."

Visitez le site Internet de Damien Seppoloni pour voir ses oeuvres d'art diverseshttp://seppo.fr

Par Kristine et Rodel

lundi 23 juillet 2012

La Fontaine



Marcel Duchamp faisait La Fontaine en 1917. On peut parler de vision post-moderne de l'art.
Duchamp a pris un urinoir, il l'a signé, lui a donné un nom et puis il l’a mis dans un musée. Cet œuvre s'appelle La Fontaine parce que, quand un garçon fait pipi dans un urinoir, l’image ressemble à une fontaine.
Il y a des gens qui pensent que cette œuvre est très intéressante, très unique et qu'elle vaut la peine d’être vu.
      À notre avis, elle est banale est bizarre. Elle ne mérite pas d’être placée dans un musée à côté d’œuvres d’art. Nous croyons qu’une œuvre  d’art  est quelque chose qui est faite grâce au travail acharné. Nous avons le sentiment que La Fontaine manque de respect aussi aux autres artistes. Les gens vont dans les musées pour se divertir et se cultiver. Il est possible qu'ils se sentent gênés avec cette œuvre car pour nous La Fontaine symbolise la vulgarité.
      Pensez-vous qu'il suffit de prendre n'importe quel objet comme une table, une chaise ou un lavabo, puis le signer, puis le placer dans un musée pour que ce soit une œuvre d’art ? Nous, nous n'y croyons pas.  


            Noong taong 1917 ay nilikha ng Pranses na si Marcel Duchamp ang kontrobersiyal na likha na La Fontaine
            Kumuha siya ng isang inodoro, kanya itong pinirmahan at iniligay sa isang museo. Ito ay tinawag na La Fontaine sapagkat ang imahe ng isang lalaki na umiihi sa indoro ay mahahalintulad sa isang <<fountain>>. Para sa karamihan, ang likhang ito ay katangi-tangi, kagiliw-giliw at makabago. 
              Ngunit para sa amin, ito ay pangkaraniwan lamang. Hindi ito karapt-dapat na ilagay sa isang museo kasama ng mga likhang-sining. Sa aming opinyon, ang isang likhang-sining ay ginawa sa pamamagitan ng hirap at pagod. Ang La Fontaine ay pagpapakita ng kawalang-galang sa mga haligi ng sining at kultura. Ang mga tao ay pumupunta sa isang museo para sila ay maaliw. Subalit sa aming palagay, kapag kanilang nakita ang La Fontaine, sila ay hindi mapapalagay at magagambala lamang dahil sa pagsimbolo nito ng kabastusan. 
              Sa tingin niyo ba ay kapag kumuha ang isang tao ng kahit anong bagay, halimbawa ay isang mesa, upuan o di kaya ay isang lababo, pagkatapos ay kanya itong pipirmahan at saka ilalagay sa isang museo, likhang-sining na kung ito ay ituring ? Para sa amin, hindi.



mardi 3 juillet 2012

Dolphy, Le Roi de la Comédie
Dolphy, Ang Hari ng Komedya
par Victoria Maglanque et Sophia Romblon


Coring est un père homosexuel dans «Ang Tatay kong Nanay», Kevin Kosme est un veuf élevant 5 enfants dans la sitcom «Home Along Da Riles» et John H. Puruntong est une personne pauvre marié à Marsha Jones, une femme riche dans «John en Marsha» -- ce ne sont que quelques-uns des rôles que Rodolfo Vera Quizon, Sr qui est aussi connu sous le nom Dolphy, le «Roi de la Comédie» des Philippines.

Coring na isang baklang ama sa pelikulang Ang Tatay kong Nanay, Kevin Kosme na isang balong nagtataguyod ng limang anak sa comedy sitcom na Home Along Da Riles at John H. Puruntong na isang mahirap na napangasawa ng anak-mayamang si Marsha Jones sa John en Marsha -- ang mga ito ay iilan lamang sa mga papel na ginampanan ni Rodolfo Vera Quizon, Sr. Siya ay mas kilala ng mga Pilipino bilang Dolphy, ang tinaguriang Hari ng Komedya ng Pilipinas.

Dolphy est né en 25 juillet, 1928. Il a d'abord eu un travail de subalterne et puis, il est devenu un artiste de la scène quand les Philippines étaient sous la domination Japonaise en Seconde Guerre mondiale. Dans ses 60 ans dans l'industrie du spectacle, il a plus ou moins 16 émissions de télévision et plus 200 films.

Si Dolphy ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1928. Nagsimula sa mga mababang uri ng trabaho, siya ay kalaunang naging tagapagtanghal sa entablado noong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng mga Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa mahigit 60 taon niya sa industriya ng entertainment, mayroon na siyang humigit kumulang labing-anim na palabas sa telebisyon at mahigit dalawandaang pelikula.

John en Marsha est l'un des spectacles les plus célèbres qu'il a fait. C'est une sitcom qui est passé à l'antenne pendant 17 ans. Il est aussi connu pour ses interprétations d'homosexuels en «Ang Tatay kong Nanay», «Facifica Falayfay» et «Jack en Jill». En 2001, il a joué un homosexuel avec ses fils Eric et Jeffrey Quizon dans le film, «Markova: Comfort Gay». Ils ont gagné le Prix de la Meilleure Interprétation qui a eu lieu à Brussels en Belgique.

Ang John en Marsha ay isa sa pinakasikat niyang palabas. Ito ay isang comedy sitcom na nagtagal ng 17 taon. Nakilala rin si Dolphy sa kanyang mahusay na pagganap bilang baklang karakter sa kanyang mga palabas gaya ng Ang Tatay kong Nanay, Facifica Falayfay at Jack en Jill. Noong 2001 ay gumanap siyang muli bilang isang bakla kasama ng dalawa sa kanyang mga anak na sina Eric at Jeffrey Quizon sa Markova: Comfort Gay. Silang lahat ay nanalo sa Prix de la Meilleure Interpretation na ginanap sa Brussels, Belgium.

En 2008, il a célébré son 80e anniversaire et il a lancé sa biographie, «Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa». Les bénéfices sont allés à « Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation Inc. » qui donne des bourses aux enfants méritants des travailleurs philippins.

Noong 2008 ay ipinagdiwang ni Dolphy ang kanyang ika-80 kaarawan, kasabay ng paglunsad ng aklat ng kanyang talambuhay, “Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa”. Ang malilikom na kita dito ay mapupunta sa Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, Inc. na tumutulong magbigay ng scholarship sa mga karapat-dapat na anak ng mga Overseas Filipino Workers.


À l’âge de 83 ans, Dolphy est toujours célibataire, mais il a 18 enfants de femmes différentes. Sa partenaire maintenant est la chanteuse et l’actrice Zsa Zsa Padilla.

Sa edad na 83, si Dolphy ay nananatiling binata ngunit may 18 na anak sa iba’t ibang babae. Ang kanyang kinakasama ngayon ay ang aktres at mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla.

Dernier 9 juin, Dolphy a été transporté d’urgence à Makati Medical Center à cause d'une pneumonie. Il était dans un état critique mais selon son fils, son état est en train de s'améliorer. Eric Quizon qui est un des fils de Dolphy a dit aussi que son père a été diagnostiqué avec une Maladie Pulmonaire Obstructive Chronique (MPOC) il y a 5 ans. Depuis lors, il va à l’hôpital régulièrement.

Noong ika-9 ng Hunyo, isinugod si Dolphy sa Makati Medical Center dahil sa kanyang pneumonia. Naging kritikal ang kalagayan ng Hari ng Komedya ngunit ayon sa kanyang mga anak ay bumubuti na naman daw ito. Sinabi rin ng kanyang anak na si Eric Quizon na limang taon na ang nakakaraan ng siya ay ma-diagnose ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) Simula noon ay nagpabalik-balik na ito ng ospital sa loob ng 5 taon.

En ce moment, il y a une controverse qui pose la question : Dolphy mérite t-il l'attribution d'Artiste National des Philippines. Depuis 2009, beaucoup de philippins veulent donner le titre à Dolphy. Mais d’après la Commission Nationale pour la Culture et les Arts, la proposition de candidat de Dolphy est en cours. Même s’ils donnent ce titre à Dolphy, tout le monde connait déjà sa contribution dans l’industrie du spectacle aux Philippines. Cet homme a toujours donné la joie et l'inspiration aux philippins et à toujours aidé les nécessiteux.

Isang kontrobersiya ngayon kung si Dolphy ay igagawad bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Simula pa noong 2009 ay maraming Pilipino na ang nagsasabi na ibigay ang parangal kay Dolphy. Ngunit ayon naman sa National Commission for Culture and the Arts ay pinoproseso na ito. Maigawad man o hindi ang parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining kay Dolphy, hindi natin maikakaila na napakalaki ng kanyang kontribusyon sa entertainment industry sa Pilipinas mula sa pagbibigay saya at inspirasyon sa mga Pilipino hanggang sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.