Mélange
lundi 20 août 2012
samedi 18 août 2012
L'art dans la rue
« Les rues sont plus que jamais l'espace idéal
pour de multiple raison. »
"Ang mga kalsada ay tunay na ideyal na espasyo
dahil sa maraming kadahilanan."
Damien Seppoloni est un artiste qui a eu 4 ans de formations à Lyon. Il ne pense pas qu’il avait la notion "d'art de rue" au tout début. Selon à lui, « le simple fait de dessiner sur un papier était déjà suffisant, » mais, «ensuite est venu le temps de voir les choses en plus grand. » Il aime l’idée que plus de gens vois son travail et qu'il a plus de chance de marquer les esprits. Il aime également le fait qu’il n’a pas le droit à l'erreur. Il le considère comme un défi personnel. Et aussi, quelle liberté pour lui que il a un espace de travail presque illimité, comme le sol, le plafond et des lampadaires et les bancs publics.
Si Damien Seppoloni ay isang pintor na nagsanay ng apat na taon sa Lyon. Hindi
niya naisip ang mga katagang "street art" noong pinakauna. Para
sa
kanya, "ang simpleng magguhit sa isang malinis na papel ay sapat na,"
pero "dumating ang panahon para tingnan ang mga mas malalaking bagay."
Gusto niya ang ideya na mas maraming tao ang makakakita ng mga obra niya
at mas makapag-iiwan siya ng impresyon at alaala. Gusto rin niya ang
katotohanang wala siya panahon upang magkamali sa kanyang ginagawa.
Itinuturing niya itong isang personal na hamon. Isang malaking kalayaan
rin para sa kanya na mayroon siayng halos walang katapusang espasyo para
sa kanyang obra gaya ng sahig, kisame, mga poste ng ilaw at mga upuan
sa parke.
Tout est sa source d’inspirations comme les films
et les livres. Il cherche de nouvelles idées en fouillant sur internet au
hasard des liens. Il commence de plus en plus à utilise la nature en tant qu’une source
d'inspiration. « Elle offre plus de différence au niveau des formes et
compositions que n'importe quel œuvre artistique déjà existante, » dit-il. Le
concept d’évolution est également une grande source d’inspiration.
Lahat
ay maaari niyang pagkuhanan ng inspirasyon gaya ng mga pelikula at mga
aklat. Naghahanap siya ng mga bagong ideya sa Internet. Ginagawa rin
niyang inspirasyon ang kalikasan. "Mas nagbibigay ito ng iba't ibang
hugis at porma di tulad ng mga nagawa ng obra," wika niya. Ang konsepto
ng ebolusyon ay isa ring magandang inspirasyon.
Comme les autres artistes, il a des frustrations
aussi. « Par exemple quand au bout des troisièmes ou quatrièmes essais je
n'arrive toujours pas à donner l'expression de visages à un personnage, cela
est très frustrant, » dit-il.
Gaya
ng ibang mga pintor, mayroon rin siyang mga kahinaan. "Halimbawa, kapag
hindi ko nagagawa ng tama ang isang ekspresyon ng isang karakter ng
wasto, ako ay naiinis," wika niya.
La liste de ses mentors est longue, selon
Seppoloni. Il a l’impression que ses mentors changent tout le temps. Mais il
dit que cette année son top 3 serait Moebius, Bilal et Pedrosa. Entre-temps,
son peinture favori est « L'homme à la pipe » de Gustave Courbet mais il ne
sait pas pourquoi. Il adore sa compo et l’histoire qu'il y a derrière ce tableau.
Ayon pa sa kanya, ang listahan
ng kanyang mga tagapayo ay tunay na mahaba. Para sa kanya, mabilis
magbago ang listahang ito. Pero ngayong taon, mayroon siyang tatlong
pinakamahusay na tagapayo at iyon ay sina
Moebius, Bilal at Pedrosa. Sa ngayon, ang paborito niyang obra ay ang
The Man With the Pipe na nilikha ni Gustave Courbet ngunit hindi niya
malaman kung bakit. Gustong-gusto niya ang komposisyon nito at ang
kwento sa likod nito.
A part de l’art, il passe le temps avec le voyage,
sa famille, ses amis et l’escalade. La plupart de son temps est attribué à sa
création de l’art et un peu au loisir et à son famille.
Bukod
sa sining, pinagkakaabalahan rin niya ang paglalakbay, ang kanyang
pamilya, mga kaibigan at ang pag-akyat o hiking. Kadalasan, ang oras
niya ay nakatuon sa paglika ng sining at kaunti lamang sa paglilibang at
sa kanyang pamilya.
De plus, les critiques sont très importantes pour
des artistes. «Seul les génies n'ont pas besoin de critiques, car même
leur erreurs sont volontaires. » Il n’est pas parfait en tant qu’un artiste, c’est pourquoi il a encore
besoin des critiques constructives. Mais, il avoue que les critiques sont
parfois graves.
Isa
pa, ang mga kritiko ay sobrang mahalaga para sa mga pintor. "Tanging
mga henyo lamang ang di na nangangailangan ng mga kritiko dahil kahit
ang kanilang mga pagkakamali ay sinasadya nila." Hindi siya perpekto
bilang isang artista kaya naman kailangan niya ng mga komentong
makatutulong sa kanya. Ngunit, inaamin niya na may ibang komento siyang
natatanggap na nakasasakit ng kanyang damdamin.
Sur le style, il a un problème avec ce mot. C’est
parce que il n’a pas un « style bien défini, tout est évolutif. » C’est aussi
difficile pour lui de dire son différence de autres artistes. C’est aux gens
qui regardent ses créations de lui le dire, n’est-ce pas ? « Mon œuvre n'est à
mon avis pas assez, » ajoute-il.
Mayroon
siyang problema sa salitang estilo. Para sa kanya, wala siyang "isang
tiyak na estilo, lahat ay nagbabago." Mahirap din para sa kanya na
sabihin ang kaibahan niya sa iba pang pintor. Ang mga taong nakakikita
ng kanyang mga obra ang tanging makapagsasabi nito, hindi ba? "Ang aking
mga obra, sa tingin ko, ay hindi pa sapat," dagdag niya.
Son message pour les artistes en herbe dans le
monde ?
« Tout est art si tu t'y prends pas trop tard. Le
plus tôt vous commencerais à peaufiner votre style/votre écriture, le plus vite
vous aurez le résultat de vos efforts. » Il n’est pas très sûr si c'est un bon
conseil, mais il dit qu’ils ne soient jamais satisfait à 100% de leur créations.
« Critiquez, questionnez. » Il souligne aussi que le sens est très important parce
que c’est la base de l'art. « Ne faites rien sans raison. »
"Lahat
ay sining kung agad mo itong gagawin. Kapag maaga mong nilinang ang
iyong kakayahan sa pagsusulat o pagpinta, mas mabilis mo itong mahahasa
at mapagbubuti." Hindi siya sigurado kung ito ay isang magandang payo
ngunit sinabi niya na huwag dapat makampante ng todo sa ating mga
nilikha. "Magkumento, magtanong." Binibigyang diin rin niya na ang
kahulugan ay mahalaga dahil ito ang pinaka sandigan ng sining. "Huwag
kang gumawa ng kahit ano ng walang dahilanan."
Pour conclure, il dit que « l'expression est un
art, est pour moi l'artiste est obligé de s'exprimer par l'art s'il veut se
faire entendre/voir. Donnant donnant. »
Bilang
pagtatapos, sinabi niya na "ang pagpapahayag ay isang sining at para sa
akin, ang isang artista/pintor ay obligadong ipahayag ang kanilang
saloobin sa pamamagitan ng sining kung gusto niyang mapansin o
mapakinggan. Magbigay at tumanggap."
Visitez le site Internet de Damien Seppoloni pour voir ses oeuvres d'art diverses. http://seppo.fr
Par Kristine et Rodel
Visitez le site Internet de Damien Seppoloni pour voir ses oeuvres d'art diverses. http://seppo.fr
Par Kristine et Rodel
jeudi 16 août 2012
mercredi 15 août 2012
samedi 11 août 2012
vendredi 10 août 2012
Inscription à :
Articles (Atom)