lundi 9 juillet 2012

Oh my Gad!
par Victoria Maglanque et Sophia Romblon


L’humour est une partie de la vie d’une personne. D’après Simon Wiesenthal, l’humour est l’arme des gens non armé : il aide les gens qui sont opprimés de sourire face à des situations douloureuse.

Bahagi na ng pangaraw-araw na buhay ng mga tao ang komedya. Ika nga ni Simon Wiesenthal, Ang komedya ay ang sandata ng mga taong walang armas: ito ang tumutulong sa mga naaapi na ngumiti sa oras ng kahirapan.
Gad Elmaleh

L’un des humoristes qui donne joie et qui fait sourire les gens est le franco-marocain. Il s’appelle Gad Elmaleh. Il n’est pas juste un humoriste, mais il est aussi un acteur. Certains de ses films sont Hors de prix (2006), The Round Up (2010), et The Adventures of Tintin (2011).

Isa sa mga nagbibigay ng ngiti at saya sa mga tao ay ang Pranses-Moroccan na si Gad Elmaleh. Hindi lang siya isang stand-up comedian kundi isa rin siyang aktor. Ang ilan sa mga pelikulang kinabilangan niya ay ang Hors de prix (2006), The Round Up (2010), at The Adventures of Tintin (2011).

Gad Elmaleh est né en 19 avril, 1971 à Casablanca, Maroc. A l’âge de 17, il quitte le Maroc pour aller étudier les sciences politiques à Montréal, puis vient à Paris pour suivre une formation artistique au cours Florent pendant deux ans. Sa première représentation comme humoriste a été le Décalages en 1997 au Palais des Glaces.

Siya ay ipinanganak noong ika-19 ng Abril, 1971 sa Casablanca, Morocco. Sa edad na 17, nag-aral siya ng political science sa Montreal. Noong 1992, siya ay pumunta ng Paris upang hasain ang kanyang pag-arte. Ang kaunaunahan niyang pagtatanghal bilang isang stand-up comedian ay sa Décalages na naganap noong 1997 sa Palais des Glaces.






Le plus admirable dans la comédie de Gad Elmaleh est l’universalité des sujets dont il parle. Ses histoires sont de la vie quotidienne des personnes et nous pouvons voir sa faculté à observer. Les gens ne peuvent pas contrôler leurs rires parce qu’ils comprennent et peut-être ils ont connu des choses qu’il a parlé. C’est plus efficace parce qu’il utilise les mots et son propre corps. Ses actions, mouvements, imitations, et ses expressions qu’il fait. Son jeu aide aussi dans son acte.

Ang pinaka kahanga-hanga sa pagpapatawa ni Gad ay ang pagiging unibersal ng mga tema na kanyang ginagamit. Ang kanyang mga istorya ay hango sa mga karaniwang ginagawa ng tao sa pang-araw-araw na buhay at dito makikita kung gaano siya kagaling mag-obserba. Hindi mapigilang matawa ng mga manonood dahil naiintindihan at maaaring naranasan na rin nila ang mga ito. Ito ay lalong naging mabisa dahil hindi lang mga salita ang ginagamit niya sa pagpapatawa kundi pati na rin ang kanyang katawan. Nakadadagdag sa kanyang pagpapatawa ang iba’t ibang klase ng aksyon, pagkilos, panggagaya at ekspresyon na kanyang ginagawa. Ang kanyang kakayahan sa pag-arte ay mas lalong nagpatibay ng kanyang pagpapatawa.

De plus, Gad a la faculté d’obtenir l’attention de public pendant une longue période. Sa performance n’est pas ennuyeuse même après longtemps. En outre, il le fait sans trop d’effort.






Isa pang kahanga-hanga kay Gad ay ang kanyang kakahayan na makuha ang atensyon ng napakaraming manonood sa mahabang oras. Habang tumatagal ay hindi pa rin nagiging nakakabagot ang kanyang pagtatanghal. Bukod pa rito, tila walang hirap niyang itong ginagawa.

La capacité de faire rire les gens est un don. Comme ils disent, il est plus facile de faire pleurer les gens que de les faire rire. Nous pouvons dire que Gad Elmaleh est une personne qui a réussi et un bon humoriste.

Isang nakapakagandang regalo ang pagpapatawa. Sabi nga nila, mas madaling magpaiyak ng tao, kaysa magpatawa. Masasabi ko na si Gad Elmaleh ay isang mahusay at matagumpay na komedyante.

dimanche 8 juillet 2012

Ce que dit Alter-Ego n'est pas toujours vrai!

Bonjour à tous! Il est sympa votre blog!!
Je suis tombée sur un article du journal en ligne très controversé Rue 89, et j'ai repensé à ce que je vous avais raconté sur l'amabilité et la courtoisie entre voisin... Jetez un coup d'oeil, ça vaut le détour!! http://www.rue89.com/2012/06/01/fete-des-voisins-le-top-50-des-pires-et-meilleurs-mots-dimmeubles-232607 

samedi 7 juillet 2012

Les Mythes de la Culture Français et Philippin

La culture. C’est un concept abstrait. C’est y compris des choses différentes, comme la tradition, la langue, la religion, les coutumes, etc. Elles sont toujours différentes. Ce qui vrai pour certaines cultures ne l'est pas pour d'autres. Les mythes sont faits à propos de ces cultures qu’on ne connait pas. Voici quelques mythes et stéréotypes de la culture française :

Kultura. Ito ay isang napakalawak na konsepto. Maraming bagay ang nakapaloob dito: mga tradisyon, wika, relihiyon, kasuotan at iba pa. Lahat ay laging magkakaiba. Ang totoo at tama para sa isang kultura ay maaaring hini totoo at tama para sa iba. Ibat't ibang paniniwala ang ginagawa natin para sa mga kulturang hindi natin nakagisnan. Narito ang ilan sa mga paniniwala tungkol sa kulturang Pranses:

Les français sont impolis.   C’est une idée fausse, mais beaucoup de peuple, surtout les américains (je l'ai entendu) le croient. La plupart de temps, ils ont juste mal interprété l’attitude des français : dire ce qu’ils pensent vraiment, parfois un peu trop franchement.

Ang mga Pranses ay walang galang at masasama ang ugali. Ito ay hindi makatotohanan, ngunit maraming tao, lalo na ang mga Amerikano, ang naniniwala dito. Kadalasan, minamasama nila ang pagiging prangka ng mga Pranses.

Les français sont arrogants. C’est connecté à la première idée. Beaucoup de gens français parlent franchement car c’est une partie de leur culture. De la nourriture au langage, les français peuvent être sensible, donc, faites attention !

Ang mga Pranses ay mayayabang. Kaugnay ito ng naunang paniniwala. Karamihan ng mga Pranses ay prangka kung magsalita dahil ito ay bahagi ng kanilang kultura. Mula sa pagkain hanggang sa wika, ang mga Pranses ay sensitibo, kaya, mag-ingat tayo!

Vous devez parler couramment français si vous visitez la France. Certains croient ce mythe parce que, des français le considèrent de les aborder en anglais. Mais, si vous êtes à Paris ou à Nice, vous pouvez gérer sans aucune connaissance de la langue française.

Kailangan mong maging mahusay sa wikang Pranses kung gusto mong bimisita sa Pransiya. Maraming naniniwala dito dahil minamasama ng karamihan ng mga Pranses sa tuwing sila ay kinakausap sa Ingles.Ngunit kung ikaw naman ay nasa Paris o sa Nice, makakayanan mo naman kahit wala kang gaanong kaalaman si wikang Pranses.

Tous les français fument. La plupart des français ne fument pas. Mais, ils s’estiment eux-mêmes n’être pas << politiquement correct >> (<< politically correct >> en anglais). Si vous fumez dans des endroits qui n’interdisent pas de fumer, bien qu’il y ait une interdiction de fumer en France.

Lahat ng Pranses ay naninigarilyo. Karamihan ng mga Pranses ay hindi naninigarilyo. Ngunit sa tingin nila, hindi sila nagiging "politically correct".

Les femmes françaises ne se rasent pas les aisselles. Cela s'est probablement répandu par un homme qui a vu une femme française poilu sous les aisselles. Il y a des françaises qui se rasent les aisselles et il y a celles qui ne le font pas, juste comme les femmes philippines ou américaines.

Ang mga kababaihang Pranses ay hindi nag-aahit ng buhok sa kili-kili. Ipinagkalat ito marahil ng isang lalaking nakakita ng isang babaeng hindi nga nag-aahit ng kili-kili. May mga kababaihang Pranses din na nag-aahit at hindi rin nag-aahit, tulad ng mga Pilipina o Amerikana.

Les français sentent mauvais. Absolument pas. La bonne hygiène est largement pratiquée en France comme dans d'autres pays. Et cela n’a pas de sens parce que la plupart des sociétés qui fabriquent des parfums viennent de France.

Ang mga Pranses ay mayroong hindi magandang amoy. Tunay na hindi kapanipaniwala. Ang kalinisan sa katawan ay pinapahalagahan sa Pransiya tulad din ng sa ibang mga bansa. Hindi talaga ito kapanipaniwala dahil maraming kumpanya sa Pransiya ang gumagawa ng mga pabango.


La culture philippine comme bien d'autres a ses propres mythes et idées reçues Ces mythes sont crées par les étrangers mais aussi par les philippins eux-mêmes.

Kagaya ng ibang kultura, ang kultura ng Pilipinas ay marami ring paniniwala. Ang mga paniniwalang ito ay hindi lamang nilikha ng mga banyaga, ngunit pati na rin ng mga kapwa Pilipino.

Les Philippins sont paresseux. C'est parce que l'économie des Philippines n'est pas aussi progressiste que l'économie de nombreux autres pays d'Asie.

Tamad ang mga Pilipno. Ito ay dahil ang ekonomiya ng Pilipinas ay hindi gaanong maunlad di kagaya ng ekonomiya ng mga karatig bansa sa Asya.

Tous les Philippines sont infirmières ou des employées de maison. C'est parce que les Philippines sont nombreux à aller travailler à l'étranger pour vivre et faire vivre leurs familles de retour dans les Philippines

Lahat ng Pilipina ay nagtatrabaho bilang nars o isang katulong o domestic helper. Ito dahil maraming mga Pilipina ang pumupunta sa ibang bansa upang magtrabaho bilang katulong at upang suportahan ang mga naiwan nilang pamilya sa Pilipinas.

Les Philippins ne pouvent pas parler anglais. C'est parce que nombreux Philippins ne peuvent se permettre d'aller à l'école. Les riches et les Philippins de la classe moyenne seulement sont appris à parler anglais parce qu'ils peuvent se permettre d'aller à l'école.

Ang mga Pilipino ay walang kakahayahang magsalita ng wikang Ingles. Ito ay dahil maraming Pilipino ang hindi nakapag-aaral dahil sa kahirapan. Tanging mga mayayaman lamang ang may kakayahang makapasok sa paaralan

Les Philippins sont toujours en retard. Il est plutôt vrai, mais pas toujours. Mais, beaucoup se sont rendus coupables de cette mauvaise habitude.
 
Ang mga Pilipino ay laging huli sa oras. Ito ay maaaring totoo ngunit hindi para sa lahat ng Pilipino. Ngunit, marami ang nagsasabi na ginagawa nila ang masamang kaugaliang ito.

Les Philippins ne sont pas nationalistes. C'est parce que ils sont souvent avec condescendance les marchandises importées au lieu de leurs propres produits. Ce mythe peut être un effet du colonialisme américain aux Philippines.

Ang mga Pilipino ay hindi makabayan. Ito ay dahil mas tinatangkilik nila ang mga produktong banyaga kaysa sa sarili nilang produkto. Ito ay maaaring isang impluwensiya ng kolonyalismo ng mga Amerikano.


Comme ce qui a été dit au début, la culture est compris des choses différentes. La culture n'est pas seulement fondée sur des mythes. En fait, nous devons encore à découvrir beaucoup de choses afin de décrire complètement sa culture.

Kagaya ng nabanggit sa simula, maraming bagay ang bumubuo sa kultura ng isang bansa. Hindi lang sa mga paniniwalang ito nakabase ang kultura. Sa katunayan, marami pa tayong dapat tuklasin bago natin tuluyang mailarawan ang kultura ng isang bansa.

Écrit par Rodel et Kristine

Parce Que L'Éducation Importe


Dans notre étude de la langue Française, il est utile aussi d'avoir une connaissance de la composante éducative de la société.

Sa ating pag-aaral ng wikang Pranses, mahalaga rin na tayo ay magkaroon ng kaalaman ukol sa kanilang sistema ng edukasyon.


Ecole maternelle (Paris - Ile-de-France)
De six á seize ans, l’éducation est obligatoire en France bien que quelques élèves commencent l'école á deux ans.

Lahat ng bata mula anim hanggang labing-anim na taong gulang ay kinakailangang pumasok ng paaralan sa ilalim ng sistemang pang-edukasyon ng Pransiya, datapwa’t may ilang mag-aaral na nagsisimula ng kanilang edukasyon dalawang-taong gulang pa lamang.

1. L’école Maternelle : 3-5 ans = les petits, les moyens, et les grands.
2. L’école primaire ou élémentaire : 6-11 ans. Cinq classes = cours préparatoire (CP), cours élémentaire 1 et 2 (CE1 et CE2), and Cours Moyen 1 et 2 (CM1 et CM2).
3. Le collège : 11-15ans = 6e – 5e – 4e – 3e
4. Le lycée : 15-17ans = Il vise préparer les élèves au baccalauréat (bac), examen différent en fonction  des domaines de spécialisation. Ils y a aussi le “Lycée professionnel” qui est destinée pour des gens qui veulent travailler dans des emplois plus manuels.





Professeur d’Anglais dans une classe de 1ère du lycée Léonard de Vinci à Levallois-Perret (Ile-de-France)



1. Kindergarten: 3-5 taong gulang = Munti, Gitna, at Malaki
2. Mababang Paaralan o Elementarya : 6-11 taong gulang. Limang klase = Panimulang Kurso (CP), Elementaryong Kurso 1 at 2 (CE1 at CE2), at Kursong Panggitna 1 at 2 (CM1 at CM2).
3. Kolehiyo: 11-15 taong gulang = Ikaanim – Ikalima – Ikaapat – Ikatlong Antas
4. Mataas na Paaralan: 15-17 taong gulang = Ito ay nagsisilbing preparasyon ng mga estudyante para sa pagsusulit na tinatawag na baccalauréat (bac), kung saan ang mga estudyante ay susubukin depende sa kani-kanilang mga napiling larangan ng pagdadalubhasa. Mayroon din silang Paaralang Bokasyonal para sa mga estudyateng nais pumasok sa trabahong eskribyente o trabahong pangkamay.

Bibliothèque de l’Université de la Rochelle (Poitou-Charentes)

Aux Philippine, il y a trois niveaux d’éducation principaux : Elementary, High School et College. L’école maternelle  (pre-school) précède l’école primaire (elementary).Elle commence à l'âge de deux à cinq ans, puis, les étudiants commencent l’école primaire  dans les six ou sept ans. Dans ce niveau, il y a six classes. En général, l’anglais, les mathématiques, le philippin, la science, les sciences humaines et l’éducation physique sont les sujets fondamentaux.

L'école primaire 
Dito sa Pilipinas mayroong tatlong kapantayan ang sistema ng edukasyon: Elementarya, High School at Kolehiyo. Karaniwang nauuna sa elementarya ang pre-school kung saan nagsisimulang mag-aral ang mga estudyante sa edad na dalawa’t kalahati hanggang limang taong gulang, at siya namang panimula nila sa elementarya sa edad na anim o pito. Mayroong anim na antas sa kapantayang ito. Kadalasan, ang English, Math, Filipino, Science, Social Studies at Physical Education ay ang mga pangunahing asignaturang itinuturo.

L’enseignement secondaire (high school) fondamental commence normalement à l’âges de douze ans et finit à l’âge de seize ans , mais maintenant deux années ont été ajoutés juste récemment au curriculum du collège. Les deux années supplémentaires assurent la compétence efficace, acquisition de l’habilité et faire d’ être prêt des étudiants à leur choix de profession avant qu'ils continuent dans le prochain niveau, l’université (college).

K to 12 Education Program of the Philippines


Ang pangunahing  batayan sa pagsisimula ng highschool ay karaniwang nagsisimula sa gulang na labing dalawa at nagtatapos sa labing-anim, subalit kamakailan lang, mayroong dalawang taong idinagdag sa curriculum nito. Ang dalawang karagdagang taon ay sinasabing magpapaigting sa epektibong kakayahan, kahusayan sa kasanayan at kahandaan ng mga estudyante sa pagpipili ng kani-kaniyang propesyon o bokasyon na kailangan nilang paghandaan sa susunod na antas, ang kolehiyo.

Pour la plupart d'entre eux, les étudiants finissent l’université (college) en quatre ans. Mais, il y a aussi des études qui prennent cinq à huit ans. En somme, les Philippines passent normalement quinze années pour accomplir l’éducation formelle.

L’université  
Karaniwang apat na taon ang kailangan ng mga estudyante upang matapos ang kolehiyo. Subalit mayroong ding mga kasanayan na lima hanggang walong taon upang matapos. Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay mayroong halos labin-limang taon para matapos ang pangunahing batayan ng edukasyon.






Des universités dans France


Sources:

jeudi 5 juillet 2012

La Fête de la Musique Aux Philippines


La Fête de la Musique aux philippines est un événement qui présente des musiques françaises et philippines. Samedi dernier, le 23 juin 2012, les gens dans la ville ont fêté et célébré avec différents musiciens. Située à Makati, l’événement a eu «French DJ Collective Chinese Man.» C’est un groupe d'artiste contemporain qui est composée de High Ku, SLY et Zé Mateo. Pour la première fois, la fête  que notre professeur de français aime vraiment, était dans les rues ! Il y avait également 10 groupes philippins qui se sont produits!


Ang Music Festival sa Pilipinas ay isang pagdiriwang ng musika ng Pilipinas at ng musika ng Pranses. Ito ay naganap noong ika-23 ng Hunyo ng kasalukuyang taon sa siyudad ng Makati. Marami sa ating mga kababayan ang dumalo, nakisaya, at sumabay sa tugtugan ng mga musikerong nagmula pa sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ang isa sa mga ito ay ang French DJ Collective at ang grupong Chinese Man na binubuo nina High Ku, SLY at Zé Mateo. Ang Music Festival  (na gustong-gusto ng aming gurong Pranses) ngayong taon ay espesyal sapagkat sa unang pagkakataon, ito ay ginanap sa mga kalsada. Dahil dito, ang pagdiriwang ng musika ay itinagurian din bilang isang Street Party. Mayroong sampung bandang Pinoy na nagtanghal din sa nasabing selebrasyon.

Un exemple d’une chanson qui a joué en l’évènement est «Sa Iyo» par le philippin icône du rock, Pepe Smith. Pendant qu’il chantait «Sa Iyo», les gens l'acclamaient. Ils ont chanté à tue-tête aussi. La courte chanson parle d’un garçon qui espère l’amour de son ancienne petite amie. Une chanson sur l’amour est quelque chose que les philippins adorent et écoutent souvent.

Regardez la vidéo dans ce lien: http://www.youtube.com/watch?v=ZhDeQBIRZ8Y


Isang halimbawa ng kanta na itinugtog sa naturang pagdiriwang ay « Sa Iyo » na inawit ng batikang musikero, Pepe Smith. Habang kanyang inaawit ang naturang kanta, walang humpay ang pagpalakpak at paghiyaw ng mga tao. Sila rin ay nakisabay sa pag-awit at kumanta ng pagkalakas-lakas.. Ang maikling kantang ito ay tungkol sa isang lalaking patuloy na umaasa sa pagmamahal ng dati niyang nobyo. Ang awitin na umiikot sa paksa ng pag-ibig ay isang bagay na gustong-gusto at palaging pinapakinggan ng mga Pilipino.

Panuorin ang video sa link na ito : http://www.youtube.com/watch?v=ZhDeQBIRZ8Y



mardi 3 juillet 2012

Dolphy, Le Roi de la Comédie
Dolphy, Ang Hari ng Komedya
par Victoria Maglanque et Sophia Romblon


Coring est un père homosexuel dans «Ang Tatay kong Nanay», Kevin Kosme est un veuf élevant 5 enfants dans la sitcom «Home Along Da Riles» et John H. Puruntong est une personne pauvre marié à Marsha Jones, une femme riche dans «John en Marsha» -- ce ne sont que quelques-uns des rôles que Rodolfo Vera Quizon, Sr qui est aussi connu sous le nom Dolphy, le «Roi de la Comédie» des Philippines.

Coring na isang baklang ama sa pelikulang Ang Tatay kong Nanay, Kevin Kosme na isang balong nagtataguyod ng limang anak sa comedy sitcom na Home Along Da Riles at John H. Puruntong na isang mahirap na napangasawa ng anak-mayamang si Marsha Jones sa John en Marsha -- ang mga ito ay iilan lamang sa mga papel na ginampanan ni Rodolfo Vera Quizon, Sr. Siya ay mas kilala ng mga Pilipino bilang Dolphy, ang tinaguriang Hari ng Komedya ng Pilipinas.

Dolphy est né en 25 juillet, 1928. Il a d'abord eu un travail de subalterne et puis, il est devenu un artiste de la scène quand les Philippines étaient sous la domination Japonaise en Seconde Guerre mondiale. Dans ses 60 ans dans l'industrie du spectacle, il a plus ou moins 16 émissions de télévision et plus 200 films.

Si Dolphy ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1928. Nagsimula sa mga mababang uri ng trabaho, siya ay kalaunang naging tagapagtanghal sa entablado noong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng mga Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa mahigit 60 taon niya sa industriya ng entertainment, mayroon na siyang humigit kumulang labing-anim na palabas sa telebisyon at mahigit dalawandaang pelikula.

John en Marsha est l'un des spectacles les plus célèbres qu'il a fait. C'est une sitcom qui est passé à l'antenne pendant 17 ans. Il est aussi connu pour ses interprétations d'homosexuels en «Ang Tatay kong Nanay», «Facifica Falayfay» et «Jack en Jill». En 2001, il a joué un homosexuel avec ses fils Eric et Jeffrey Quizon dans le film, «Markova: Comfort Gay». Ils ont gagné le Prix de la Meilleure Interprétation qui a eu lieu à Brussels en Belgique.

Ang John en Marsha ay isa sa pinakasikat niyang palabas. Ito ay isang comedy sitcom na nagtagal ng 17 taon. Nakilala rin si Dolphy sa kanyang mahusay na pagganap bilang baklang karakter sa kanyang mga palabas gaya ng Ang Tatay kong Nanay, Facifica Falayfay at Jack en Jill. Noong 2001 ay gumanap siyang muli bilang isang bakla kasama ng dalawa sa kanyang mga anak na sina Eric at Jeffrey Quizon sa Markova: Comfort Gay. Silang lahat ay nanalo sa Prix de la Meilleure Interpretation na ginanap sa Brussels, Belgium.

En 2008, il a célébré son 80e anniversaire et il a lancé sa biographie, «Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa». Les bénéfices sont allés à « Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation Inc. » qui donne des bourses aux enfants méritants des travailleurs philippins.

Noong 2008 ay ipinagdiwang ni Dolphy ang kanyang ika-80 kaarawan, kasabay ng paglunsad ng aklat ng kanyang talambuhay, “Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa”. Ang malilikom na kita dito ay mapupunta sa Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, Inc. na tumutulong magbigay ng scholarship sa mga karapat-dapat na anak ng mga Overseas Filipino Workers.


À l’âge de 83 ans, Dolphy est toujours célibataire, mais il a 18 enfants de femmes différentes. Sa partenaire maintenant est la chanteuse et l’actrice Zsa Zsa Padilla.

Sa edad na 83, si Dolphy ay nananatiling binata ngunit may 18 na anak sa iba’t ibang babae. Ang kanyang kinakasama ngayon ay ang aktres at mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla.

Dernier 9 juin, Dolphy a été transporté d’urgence à Makati Medical Center à cause d'une pneumonie. Il était dans un état critique mais selon son fils, son état est en train de s'améliorer. Eric Quizon qui est un des fils de Dolphy a dit aussi que son père a été diagnostiqué avec une Maladie Pulmonaire Obstructive Chronique (MPOC) il y a 5 ans. Depuis lors, il va à l’hôpital régulièrement.

Noong ika-9 ng Hunyo, isinugod si Dolphy sa Makati Medical Center dahil sa kanyang pneumonia. Naging kritikal ang kalagayan ng Hari ng Komedya ngunit ayon sa kanyang mga anak ay bumubuti na naman daw ito. Sinabi rin ng kanyang anak na si Eric Quizon na limang taon na ang nakakaraan ng siya ay ma-diagnose ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) Simula noon ay nagpabalik-balik na ito ng ospital sa loob ng 5 taon.

En ce moment, il y a une controverse qui pose la question : Dolphy mérite t-il l'attribution d'Artiste National des Philippines. Depuis 2009, beaucoup de philippins veulent donner le titre à Dolphy. Mais d’après la Commission Nationale pour la Culture et les Arts, la proposition de candidat de Dolphy est en cours. Même s’ils donnent ce titre à Dolphy, tout le monde connait déjà sa contribution dans l’industrie du spectacle aux Philippines. Cet homme a toujours donné la joie et l'inspiration aux philippins et à toujours aidé les nécessiteux.

Isang kontrobersiya ngayon kung si Dolphy ay igagawad bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Simula pa noong 2009 ay maraming Pilipino na ang nagsasabi na ibigay ang parangal kay Dolphy. Ngunit ayon naman sa National Commission for Culture and the Arts ay pinoproseso na ito. Maigawad man o hindi ang parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining kay Dolphy, hindi natin maikakaila na napakalaki ng kanyang kontribusyon sa entertainment industry sa Pilipinas mula sa pagbibigay saya at inspirasyon sa mga Pilipino hanggang sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

La République de Vanuatu


La République de Vanuatu est un archipel situé dans l'océan pacifique sud. Il se trouve au centre de Fidji et Nouvelle Calédonie, et est 3623.43 kilomètres au nord-est d'Australie. Le nom vanua, qui apparaît dans plusieurs langues austronésiennes, veut dire le terrain ou le logement. Le tu veux dire se lever. Les locaux l'appellent Ni-Vanuatu ou simplement NiVan. Le <<ni>> en fait viens du mot français <<née>>.

            Ang Republika ng Vanuatu ay isang kapuluan na matatagpuan sa dakong timog ng Karagatang Pasipiko. Ito ay pinagigitnaan ng Fidji at New Caledonia, at may 3623.43 kilometrong layo mula sa hilagang-silangan ng Australya. Ang katagang vanua, na  makikita sa maraming wikang austronisyano, ay nangangahulugang lupa o tahanan. Ang katagang tu ay may kahulugan na bangon.   Ang mga taga-Vanuatu ay tinatawag na Ni-Vanutau o simpleng NiVan. Ang katagang ni ay nagmula sa salitang frances na née.

            Même si les Espagnols ont ete les premiers européens qui à occuper l'archipel, les gens de Mélanésie sont les habitants originaux. En 1880s, les Français et les Britanniques sont venus et ont revendiqué des portions de terrain. Ils étaient d'accords sur copropriété sur le terrain et l'appelaient Le Nouvelles <<Hébrides>>. Après presque 100 ans, des mouvements pour l'indépendance sont survenus. C'était en 1980 seulement quand Vanuatu est devenu une république. Maintenant, leurs langues officielles sont l'anglais, le français, et le bislama qui est phonétiquement comme l'anglais mais avec un accent très prononcee. C'est également la langue que la plupart des gens comprend et parle.

            Bagamat ang mga espanyol ang unang dayuhang nagmula sa Europa na sumakop sa kapuluang ito, ang mga unang tao sa Vanuatu ay nagmula sa Melanisya. Noong 1880s, dumating ang mga Frances at Briton at sinakop ang ibang parte ng kalupaan. Napagkasunduan nilang sabay na pagharian ang lupang sinakop at tinawag itong New Hebrides. Matapos ang halos 100 taon, nagkaroon ng mga pag-aalsa para sa kalayaan. Noong 1980 lamang naging isang ganap na republika ang Vanuatu. Sa kasalukuyan, Ingles, Pranses, at Bislama ang kanilang opisyal na mga wika na maihahalintulad sa Ingles ang tunog na may punto ang pagbigkas. Ito rin ay ang wika na naiintidihan at sinasalita ng karamihan.

            Cet archipel est composé d'environ 80 belles îles qui se vantent d'avoir de grandes plages et des eaux purs et clairs. Choisi comme la meilleure plage du Vanuatu, et une des meilleures plages du monde, la plage de Champagne se trouve à Espiritu Santo qui est la plus grande île au Vanuatu. Son nom a pris sa source grace à l'observation de l'effervescence de l'eau quand la marée est basse. Malheureusement maintenant, cette vue n'est pas toujours évidente. Il y a une partie de sable blanc et sa toile de fond est une très relaxante vue des montagnes vertes et du ciel bleu clair, et dégagé. c'est certainement un beau lieu de se relaxer.

Ang kapuluang ito ay binubuo ng humigi’t kumulang 80 magagandang isla na nagtataglay ng  kahanga-hangang dalampasigan at tubig na malinis at malinaw. Napili bilang pinakamagandang na dalampasigan ng Vanuatu, at isa sa pinakamaganda sa mundo, ang dalampasigan ng Champagne ay matatagpuan sa Espiritu Santo na syang pinakamalaking isla sa Vanuatu. Ang pangalan nito ay nagmula dala ng pagmamasid sa mga hampas ng tubig sa tuwing mababa ang tubig. Ngayon, kapag hindi sineswerte, ang tanawing ito ay hindi palaging makikita. Mayroong ilang mga puting buhangin at sa likod nito ay kaaya-ayang tanawin  ng mga luntiang bundok at kalangitang asul at malinaw. Ito ay tiyak na isang magandang lugar upang magpahinga.

          

  Il y a d'autres plages comme la plage de Tamanu, d’Eratap, de Mota Lava, et celles des îles de Hideaway, Banks, Kakula, et Iririki. Les activités qu'on peut faire à l'eau mais pas nécessairement à la plage incluent la plongée sous-marine, la pêche, le jet-ski, le kayac, le parachute ascensionnel, le snorkeling, le bateau, et la croisière.

May iba pang mga dalampasigan tulad ng sa Tamanu, sa Eratap, sa Mota Lava, at sa mga isla ng Hideaway, Banks, Kakula, at Iririki. Ang mga aktibidad na maaaring gawin sa tubig ngunit hindi naman kinakailangang sa dalampasaigan ay scuba diving, pangingisda, jet skiing, kayaking, parasailing, snorkeling, pamamangka, at cruising.
 

            Si vous n'aimez pas l'eau, vous pouvez essayer les aventures comme l'<<Eco tours>> dans des cavernes ou des montagnes. De plus, essayez les voiles de terre, les motos qui vous amènent partout, ou encore mieux, faites comme si vous êtiez à l'émission de <<Survivor>> ou <<Amazing Race>> et rejoignez <<Edge>>. Mais bien sûr, la nourriture est toujours la partie favorite dans chaque voyage. Le régime alimentaire des gens du coin consiste en des fruits de mer, des viandes, des légumes,  des produits récoltés, avec le riz les poissons en étain. Il y a des restaurants ou cafés autour des lieux que pourvoient aux besoins des touristes.
           
Kung hindi ninyo gusto ang mga adventure sa tubig, maaari mong subukan ang mga adventures tulad ng Eco tours sa mga kweba o sa mga kabundukan. Gayundin, maaring ninyong subukan ang mga aktibidad sa lupa, ang mga motor na magdadala sa inyo sa lahat ng dako, o di kaya’y, pwede nyo rin gawin ang mga aktibidad tulad ng sa palabas na Survivor o Amazing Race at sumali sa Edge. Ngunit siyempre, ang pagkain ay palaging ang paboritong bahagi sa bawat biyahe. Ang pagkain ng mga tagaroon ay mga pagkaing-dagat, karne, gulay, mga produktong ani, na may kasamang kanin at isdang delata. May mga kainan o cafés sa paligid na pagsisilbihan ang mga turista.


 L'unité monétaire du Vanuatu est le vanu. Un vanu égale 93.49 dollars australiens.

Ang salapi ng Vanuatu ay tinanatawag na vanu. Ang isang vanu ay katumbas ng 93.49 Australian dollars.


            Pendant ce temps aux Philippines, les marées montent brusquement et les parties de sables blancs s'étirent largement comme pour dire, venez!

            Samantala sa Pilipinas, ang mga alon ay humahampas at ang puting buhangin tabing-dagat ay nakahandusay, waring nagsasabing, halika!

            Les Philippines est un paradis pour aventuriers et pour ceux qui veut s'amuser ou se détendre partiellement parce que tout les choses est abordable et bon marché. Il y a une seule exception mais sinon, tout est parfait!

Ang Pilipinas ay matuturing na isang paraiso para sa mga mahilig makipagsapalaran at para sa mga taong nais magsaya o magpahinga dahil hindi maikakaila na lahat ng bagay dito ay mas mura. Mayroon nga lang isang natatangi, ngunit maliban roon, lahat ay ayos!

 La plus belle et la plus réservée des plage, mais également la plus chère et plus luxueuse aux Philippines est localisé à l'île de Pamalican, Palawan. C'est la seule plage que les célébrités de l'étranger visitent encore. Elle est la plus immaculée et la plus paisible, avec le meilleur service consommateur. Bien que, si on n'a pas le budget pour une évasion comme ça,  on ne s’inquiète pas. Il y a plusieurs autres plages qui sont comme belles et qui en valent la peine.

Ang pinakamaganda at pinakatagong dalampasigan, gayundin ang pinakamahal at pinakamaluho sa Pilipinas ay matatagpuan sa isla ng Pamalican sa Palawan. Ito ay ang tanging dalampasigan na dinadayo maging nga mga kilalang tao mula sa ibang mga bansa. Ito ay talagang malinis at mapayapa, na may ang pinakamahusay na serbisyo. Gayunpaman, kung hindi pasok sa inyong badyet ang ganitong lakad, hindi na ito mahalaga. Mayroon pang ibang mga dalampasigan na kasing-ganda at kapaki-pakinabang din.



Pour plus d'informations, connectez-vous sur les sites Web suivants :

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa sumusunod na website:
http://www.tourism.gov.ph/Pages/default.aspx

-Écrit par Marie del Rosario et Zenna Dumaguing-


-Isinulat ni Marie del Rosario at Zenna Dumaguing-