mardi 3 juillet 2012

La République de Vanuatu


La République de Vanuatu est un archipel situé dans l'océan pacifique sud. Il se trouve au centre de Fidji et Nouvelle Calédonie, et est 3623.43 kilomètres au nord-est d'Australie. Le nom vanua, qui apparaît dans plusieurs langues austronésiennes, veut dire le terrain ou le logement. Le tu veux dire se lever. Les locaux l'appellent Ni-Vanuatu ou simplement NiVan. Le <<ni>> en fait viens du mot français <<née>>.

            Ang Republika ng Vanuatu ay isang kapuluan na matatagpuan sa dakong timog ng Karagatang Pasipiko. Ito ay pinagigitnaan ng Fidji at New Caledonia, at may 3623.43 kilometrong layo mula sa hilagang-silangan ng Australya. Ang katagang vanua, na  makikita sa maraming wikang austronisyano, ay nangangahulugang lupa o tahanan. Ang katagang tu ay may kahulugan na bangon.   Ang mga taga-Vanuatu ay tinatawag na Ni-Vanutau o simpleng NiVan. Ang katagang ni ay nagmula sa salitang frances na née.

            Même si les Espagnols ont ete les premiers européens qui à occuper l'archipel, les gens de Mélanésie sont les habitants originaux. En 1880s, les Français et les Britanniques sont venus et ont revendiqué des portions de terrain. Ils étaient d'accords sur copropriété sur le terrain et l'appelaient Le Nouvelles <<Hébrides>>. Après presque 100 ans, des mouvements pour l'indépendance sont survenus. C'était en 1980 seulement quand Vanuatu est devenu une république. Maintenant, leurs langues officielles sont l'anglais, le français, et le bislama qui est phonétiquement comme l'anglais mais avec un accent très prononcee. C'est également la langue que la plupart des gens comprend et parle.

            Bagamat ang mga espanyol ang unang dayuhang nagmula sa Europa na sumakop sa kapuluang ito, ang mga unang tao sa Vanuatu ay nagmula sa Melanisya. Noong 1880s, dumating ang mga Frances at Briton at sinakop ang ibang parte ng kalupaan. Napagkasunduan nilang sabay na pagharian ang lupang sinakop at tinawag itong New Hebrides. Matapos ang halos 100 taon, nagkaroon ng mga pag-aalsa para sa kalayaan. Noong 1980 lamang naging isang ganap na republika ang Vanuatu. Sa kasalukuyan, Ingles, Pranses, at Bislama ang kanilang opisyal na mga wika na maihahalintulad sa Ingles ang tunog na may punto ang pagbigkas. Ito rin ay ang wika na naiintidihan at sinasalita ng karamihan.

            Cet archipel est composé d'environ 80 belles îles qui se vantent d'avoir de grandes plages et des eaux purs et clairs. Choisi comme la meilleure plage du Vanuatu, et une des meilleures plages du monde, la plage de Champagne se trouve à Espiritu Santo qui est la plus grande île au Vanuatu. Son nom a pris sa source grace à l'observation de l'effervescence de l'eau quand la marée est basse. Malheureusement maintenant, cette vue n'est pas toujours évidente. Il y a une partie de sable blanc et sa toile de fond est une très relaxante vue des montagnes vertes et du ciel bleu clair, et dégagé. c'est certainement un beau lieu de se relaxer.

Ang kapuluang ito ay binubuo ng humigi’t kumulang 80 magagandang isla na nagtataglay ng  kahanga-hangang dalampasigan at tubig na malinis at malinaw. Napili bilang pinakamagandang na dalampasigan ng Vanuatu, at isa sa pinakamaganda sa mundo, ang dalampasigan ng Champagne ay matatagpuan sa Espiritu Santo na syang pinakamalaking isla sa Vanuatu. Ang pangalan nito ay nagmula dala ng pagmamasid sa mga hampas ng tubig sa tuwing mababa ang tubig. Ngayon, kapag hindi sineswerte, ang tanawing ito ay hindi palaging makikita. Mayroong ilang mga puting buhangin at sa likod nito ay kaaya-ayang tanawin  ng mga luntiang bundok at kalangitang asul at malinaw. Ito ay tiyak na isang magandang lugar upang magpahinga.

          

  Il y a d'autres plages comme la plage de Tamanu, d’Eratap, de Mota Lava, et celles des îles de Hideaway, Banks, Kakula, et Iririki. Les activités qu'on peut faire à l'eau mais pas nécessairement à la plage incluent la plongée sous-marine, la pêche, le jet-ski, le kayac, le parachute ascensionnel, le snorkeling, le bateau, et la croisière.

May iba pang mga dalampasigan tulad ng sa Tamanu, sa Eratap, sa Mota Lava, at sa mga isla ng Hideaway, Banks, Kakula, at Iririki. Ang mga aktibidad na maaaring gawin sa tubig ngunit hindi naman kinakailangang sa dalampasaigan ay scuba diving, pangingisda, jet skiing, kayaking, parasailing, snorkeling, pamamangka, at cruising.
 

            Si vous n'aimez pas l'eau, vous pouvez essayer les aventures comme l'<<Eco tours>> dans des cavernes ou des montagnes. De plus, essayez les voiles de terre, les motos qui vous amènent partout, ou encore mieux, faites comme si vous êtiez à l'émission de <<Survivor>> ou <<Amazing Race>> et rejoignez <<Edge>>. Mais bien sûr, la nourriture est toujours la partie favorite dans chaque voyage. Le régime alimentaire des gens du coin consiste en des fruits de mer, des viandes, des légumes,  des produits récoltés, avec le riz les poissons en étain. Il y a des restaurants ou cafés autour des lieux que pourvoient aux besoins des touristes.
           
Kung hindi ninyo gusto ang mga adventure sa tubig, maaari mong subukan ang mga adventures tulad ng Eco tours sa mga kweba o sa mga kabundukan. Gayundin, maaring ninyong subukan ang mga aktibidad sa lupa, ang mga motor na magdadala sa inyo sa lahat ng dako, o di kaya’y, pwede nyo rin gawin ang mga aktibidad tulad ng sa palabas na Survivor o Amazing Race at sumali sa Edge. Ngunit siyempre, ang pagkain ay palaging ang paboritong bahagi sa bawat biyahe. Ang pagkain ng mga tagaroon ay mga pagkaing-dagat, karne, gulay, mga produktong ani, na may kasamang kanin at isdang delata. May mga kainan o cafés sa paligid na pagsisilbihan ang mga turista.


 L'unité monétaire du Vanuatu est le vanu. Un vanu égale 93.49 dollars australiens.

Ang salapi ng Vanuatu ay tinanatawag na vanu. Ang isang vanu ay katumbas ng 93.49 Australian dollars.


            Pendant ce temps aux Philippines, les marées montent brusquement et les parties de sables blancs s'étirent largement comme pour dire, venez!

            Samantala sa Pilipinas, ang mga alon ay humahampas at ang puting buhangin tabing-dagat ay nakahandusay, waring nagsasabing, halika!

            Les Philippines est un paradis pour aventuriers et pour ceux qui veut s'amuser ou se détendre partiellement parce que tout les choses est abordable et bon marché. Il y a une seule exception mais sinon, tout est parfait!

Ang Pilipinas ay matuturing na isang paraiso para sa mga mahilig makipagsapalaran at para sa mga taong nais magsaya o magpahinga dahil hindi maikakaila na lahat ng bagay dito ay mas mura. Mayroon nga lang isang natatangi, ngunit maliban roon, lahat ay ayos!

 La plus belle et la plus réservée des plage, mais également la plus chère et plus luxueuse aux Philippines est localisé à l'île de Pamalican, Palawan. C'est la seule plage que les célébrités de l'étranger visitent encore. Elle est la plus immaculée et la plus paisible, avec le meilleur service consommateur. Bien que, si on n'a pas le budget pour une évasion comme ça,  on ne s’inquiète pas. Il y a plusieurs autres plages qui sont comme belles et qui en valent la peine.

Ang pinakamaganda at pinakatagong dalampasigan, gayundin ang pinakamahal at pinakamaluho sa Pilipinas ay matatagpuan sa isla ng Pamalican sa Palawan. Ito ay ang tanging dalampasigan na dinadayo maging nga mga kilalang tao mula sa ibang mga bansa. Ito ay talagang malinis at mapayapa, na may ang pinakamahusay na serbisyo. Gayunpaman, kung hindi pasok sa inyong badyet ang ganitong lakad, hindi na ito mahalaga. Mayroon pang ibang mga dalampasigan na kasing-ganda at kapaki-pakinabang din.



Pour plus d'informations, connectez-vous sur les sites Web suivants :

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa sumusunod na website:
http://www.tourism.gov.ph/Pages/default.aspx

-Écrit par Marie del Rosario et Zenna Dumaguing-


-Isinulat ni Marie del Rosario at Zenna Dumaguing-

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire