mardi 3 juillet 2012

Dolphy, Le Roi de la Comédie
Dolphy, Ang Hari ng Komedya
par Victoria Maglanque et Sophia Romblon


Coring est un père homosexuel dans «Ang Tatay kong Nanay», Kevin Kosme est un veuf élevant 5 enfants dans la sitcom «Home Along Da Riles» et John H. Puruntong est une personne pauvre marié à Marsha Jones, une femme riche dans «John en Marsha» -- ce ne sont que quelques-uns des rôles que Rodolfo Vera Quizon, Sr qui est aussi connu sous le nom Dolphy, le «Roi de la Comédie» des Philippines.

Coring na isang baklang ama sa pelikulang Ang Tatay kong Nanay, Kevin Kosme na isang balong nagtataguyod ng limang anak sa comedy sitcom na Home Along Da Riles at John H. Puruntong na isang mahirap na napangasawa ng anak-mayamang si Marsha Jones sa John en Marsha -- ang mga ito ay iilan lamang sa mga papel na ginampanan ni Rodolfo Vera Quizon, Sr. Siya ay mas kilala ng mga Pilipino bilang Dolphy, ang tinaguriang Hari ng Komedya ng Pilipinas.

Dolphy est né en 25 juillet, 1928. Il a d'abord eu un travail de subalterne et puis, il est devenu un artiste de la scène quand les Philippines étaient sous la domination Japonaise en Seconde Guerre mondiale. Dans ses 60 ans dans l'industrie du spectacle, il a plus ou moins 16 émissions de télévision et plus 200 films.

Si Dolphy ay ipinanganak noong ika-25 ng Hulyo, 1928. Nagsimula sa mga mababang uri ng trabaho, siya ay kalaunang naging tagapagtanghal sa entablado noong ang Pilipinas ay nasa ilalim ng mga Hapon sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa mahigit 60 taon niya sa industriya ng entertainment, mayroon na siyang humigit kumulang labing-anim na palabas sa telebisyon at mahigit dalawandaang pelikula.

John en Marsha est l'un des spectacles les plus célèbres qu'il a fait. C'est une sitcom qui est passé à l'antenne pendant 17 ans. Il est aussi connu pour ses interprétations d'homosexuels en «Ang Tatay kong Nanay», «Facifica Falayfay» et «Jack en Jill». En 2001, il a joué un homosexuel avec ses fils Eric et Jeffrey Quizon dans le film, «Markova: Comfort Gay». Ils ont gagné le Prix de la Meilleure Interprétation qui a eu lieu à Brussels en Belgique.

Ang John en Marsha ay isa sa pinakasikat niyang palabas. Ito ay isang comedy sitcom na nagtagal ng 17 taon. Nakilala rin si Dolphy sa kanyang mahusay na pagganap bilang baklang karakter sa kanyang mga palabas gaya ng Ang Tatay kong Nanay, Facifica Falayfay at Jack en Jill. Noong 2001 ay gumanap siyang muli bilang isang bakla kasama ng dalawa sa kanyang mga anak na sina Eric at Jeffrey Quizon sa Markova: Comfort Gay. Silang lahat ay nanalo sa Prix de la Meilleure Interpretation na ginanap sa Brussels, Belgium.

En 2008, il a célébré son 80e anniversaire et il a lancé sa biographie, «Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa». Les bénéfices sont allés à « Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation Inc. » qui donne des bourses aux enfants méritants des travailleurs philippins.

Noong 2008 ay ipinagdiwang ni Dolphy ang kanyang ika-80 kaarawan, kasabay ng paglunsad ng aklat ng kanyang talambuhay, “Dolphy, Hindi Ko Ito Narating Mag-isa”. Ang malilikom na kita dito ay mapupunta sa Dolphy Aid Para sa Pinoy Foundation, Inc. na tumutulong magbigay ng scholarship sa mga karapat-dapat na anak ng mga Overseas Filipino Workers.


À l’âge de 83 ans, Dolphy est toujours célibataire, mais il a 18 enfants de femmes différentes. Sa partenaire maintenant est la chanteuse et l’actrice Zsa Zsa Padilla.

Sa edad na 83, si Dolphy ay nananatiling binata ngunit may 18 na anak sa iba’t ibang babae. Ang kanyang kinakasama ngayon ay ang aktres at mang-aawit na si Zsa Zsa Padilla.

Dernier 9 juin, Dolphy a été transporté d’urgence à Makati Medical Center à cause d'une pneumonie. Il était dans un état critique mais selon son fils, son état est en train de s'améliorer. Eric Quizon qui est un des fils de Dolphy a dit aussi que son père a été diagnostiqué avec une Maladie Pulmonaire Obstructive Chronique (MPOC) il y a 5 ans. Depuis lors, il va à l’hôpital régulièrement.

Noong ika-9 ng Hunyo, isinugod si Dolphy sa Makati Medical Center dahil sa kanyang pneumonia. Naging kritikal ang kalagayan ng Hari ng Komedya ngunit ayon sa kanyang mga anak ay bumubuti na naman daw ito. Sinabi rin ng kanyang anak na si Eric Quizon na limang taon na ang nakakaraan ng siya ay ma-diagnose ng Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD) Simula noon ay nagpabalik-balik na ito ng ospital sa loob ng 5 taon.

En ce moment, il y a une controverse qui pose la question : Dolphy mérite t-il l'attribution d'Artiste National des Philippines. Depuis 2009, beaucoup de philippins veulent donner le titre à Dolphy. Mais d’après la Commission Nationale pour la Culture et les Arts, la proposition de candidat de Dolphy est en cours. Même s’ils donnent ce titre à Dolphy, tout le monde connait déjà sa contribution dans l’industrie du spectacle aux Philippines. Cet homme a toujours donné la joie et l'inspiration aux philippins et à toujours aidé les nécessiteux.

Isang kontrobersiya ngayon kung si Dolphy ay igagawad bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Simula pa noong 2009 ay maraming Pilipino na ang nagsasabi na ibigay ang parangal kay Dolphy. Ngunit ayon naman sa National Commission for Culture and the Arts ay pinoproseso na ito. Maigawad man o hindi ang parangal bilang Pambansang Alagad ng Sining kay Dolphy, hindi natin maikakaila na napakalaki ng kanyang kontribusyon sa entertainment industry sa Pilipinas mula sa pagbibigay saya at inspirasyon sa mga Pilipino hanggang sa pamamahagi ng tulong sa mga nangangailangan.

Aucun commentaire:

Enregistrer un commentaire